PL Community

Where Cool PL Readers and Authors Connect

Kapag wala kaming magawa ng mga imaginary friends ko ay naglalaro kami ng "Scenario Game" kung saan matetest mo ang limit ng isang tao. Maganda ang larong ito para malaman kung hanggang saan aabot ang moralidad ng mga kaibigan mo.

 

Simple lang, mag-isip ka lang ng mga scenarios na gaya ng sumusunod:

 

  • Inalok ka ng celebrity crush mo ng one night stand, papayag ka ba kahit may GF/BF ka?
  • Alin ang iliilgtas mo kung lulubog na ang bangka, Lola mong bwisit, o isang maletang may lamang 1 million pesos?

Sa ganyang mga tanong, hindi ka lang mag-eenjoy, makikilala mo pa ng husto ang mga friends mo.

 

Halimbawa, itong isa kong friend na itago natin sa pangalang Paquita Rose. Yep, yung nagtae (allegedly) sa bus.

 

Nasa Megamall na naman kami last Sunday, at dahil ubos na ang funds namin sa pizza ay hindi na namin nagawang manood ng sine. Kaya naupo na lang kami sa benches at nanlait ng mga dumadaang frogs. Kaso ang konti lang ng mga baduy noon (isa lang ang nakita ko, yung buntis na naka-jumper ng color blue na floral, mukha syang hippie na Teletubby) kaya hindi ako naka-quota.

 

Kaya nung nauubusan na kami ng lalaitin, pumunta na lang kami sa Cyberzone para magcanvas ng laptop. Pangarap kasi ni Paquita Rose ang magkaroon ng laptop. Yung mga katanggap-tanggap na brands, nasa 30K. Hindi pasok sa banga ng budget ni Paquita.

 

Napatanong tuloy sya bigla... "Hmm paano kaya ako magkakaroon ng mabilsang 30K?"

 

Sagot ko naman, "Eh di tawagin mo yung suitor mong DOM."

 

Opo mga Kids, may manliligaw itong si Paquita Rose na ang edad ay nasa 60 plus. Yung tipong may Suki Card sa Mercury Drug, at ang resibo ay dalawa lang ang laman: Viagra at Pau D' Arco.

 

Eto, i-visualize nyo na lang ang pag-uusap namin.

 

Paquita Rose: Ano namang sasabihin ko dun sa DOM?

Ako: Sabihin mo pumapayag ka na tirahin ka nya kapalit 30K.

Paquita Rose: Ang baba naman? 30K lang?

Ako: Kagandahan ka? Mga pokpok nga jan sa tabi, ang gaganda wala pang 5K. Pwede na yang 30K, kasi virgin ka.

Paquita Rose: Basta ayoko nun. Kasalanan yun, Thou shall not commit adultery.

Ako: Pwede ka naman magsisi pagkatapos. At least nagkalaptop ka isang higaan lang.

(Isip-isip sya sandali)

Paquita Rose: Ayoko!

 

Tinigil ko muna at nag-isip ng panibagong line of thought.

 

Ako: Bakit ba ayaw mo ano bang itsura nya?

(Naghanap sya sa paligid, tamang tama may dumaan na matandang lalaking may tulak na wheelchair).

Paquita Rose: Yan oh.

Ako: Pwede pa yan.

Paquita Rose: Tanga ka.

 

Mukhang ayaw nyang bumigay, kaya naglakad-lakad muna kami, nagtingin ng mga Now Showing.

 

Ako: Sige hindi ka na lang titirahin, didilaan ka lang sa keps, 15K per hagod.

Paquita Rose: Ayoko!

Ako: Dalawang hagod lang, may laptop ka na!

Paquita Rose: Wag ganun!

 

Hanep matibay talaga ang puri at dangal nya. Paikot-ikot lang kami sa 4th Floor, tumitingin ng mga paintings sa art galleries.

 

Ako: Sige hindi na didilaan, kukurutin na lang.

Paquita Rose: Akala ko tapos na yang mga tanong na yan!

Ako: 1K per kurot.

(Isip-isip sya sandali)

Paquita Rose: 30 times pa akong kukurutin para makaipon, mamamaga na yun!

Ako: Eh hindi naman minsanan yun, pakurot ka twice a day lang para hindi masakit.

Paquita Rose: Ayoko!

 

Nauhaw kami pareho, bumili kami ng 4 Seasons. Habang masayang sumisipsip, pinagpatuloy ko ang pagtesting sa moral values ni Paquita Rose.

 

Ako: Sige hindi na kukurutin, tititigan na lang.

Paquita Rose: Magkano?

Ako: 10K isang oras. O diba 3 hours lang may laptop ka na. Dali na.

Paquita Rose: Sya lang ang titingin?

Ako: Hindi, lahat ng friends nya titingin din. Nakasquat ka lang. Tapos pwede nila ilapit yung mukha nila.

(Isip-isip sya sandali)

Paquita Rose: Ayoko!

 

Kailangan gawing mas matindi ang odds.

 

Ako: O sige ganito, paano kung nasa bingit ng panganib ang Nanay mo, nasa ospital, at kailangan mo ng pera, ang paraan lang eh tirahin ka ni DOM?

Paquita Rose: Hindi pa ba tapos yan? Ayoko nga!

Ako: Sorry na lang pala ang Nanay mo hahaha.

 

So dahil mukhang intact talaga ang moralidad ni Paquita Rose, hindi ko na sya pinilit. Nung magsawa na kami sa pagmumukha ng isa't-isa, nagkayayaan na lumabas ng mall. On our way out, sa escalator may nakasabay kaming Amerikano na naka-shades at todo sa porma, parang model lang ng Calvin Klein.

 

"Eh sa ganyang ang itsura, titirahin ka for 30K, papayag ka?"

 

Napatumbling ako sa sagot nya...

 

 

 

"Kahit libre pa."

 

"TANGINA MONG POKPOK KA!" na lang ang naisagot ko sa kanya, nagtinginan pa yung mga katabi namin sa escalator.

 

Ayan po ang nagagawa ng Scenario Game namin. Ganda. Subukan nyo. Maganda syang gawin sa mga company team building.

Views: 69

Comments are closed for this blog post

Comment by g r ♥ b on June 21, 2011 at 8:30pm

Pucha! Super Like!

Sakit Tyan ko kakatawa tol...

Kwentuhan nga tayo minsan! harhar!

Comment by sweet♥sam on June 22, 2011 at 12:56pm
nice one! :D
Comment by cursed charisma on June 29, 2011 at 12:38am
bwiset ka tlga vic! hahaha!

Like Us on Facebook

© 2012   Created by plcommunity.

Badges  |  Report an Issue  |  Terms of Service