minsan...
ang isang tao ay kailangan muna dumaan sa maraming pagsubok bago niya maintindihan ang kahalagahan ng buhay.
hindi natin malalaman ang takbo ng buhay kung lage natin itatakbo sa maling paraan..
minsan..
sa sobrang kainipan kailangan na natin tumakbo at kung hindi pa madarapa ay hindi pa matatauhan,
kung magpapatuloy sa bilanguan ng kalungkutan at pagkakamali mabuti pa wag ka na bumangon..
minsan...
sa sobrang kainitan ng araw, hindi na napapansin ang sira ng sapatos at tindi ng hapdi ng iyong talampakan,
dahil patuloy na lumalakad sa walang katiyakan ng laro ng buhay..
minsan..
kailangan tumapak sa maraming bato at buhangin upang maranasan ang higpit ng mga bitag,
na sadyang nakakapatid at lalagapak sa gitna ng kawalan.
ang pagbabago ay kusang loob, hindi parang alipin na kailangan utusan at suhulan.
maraming paraan, maraming dahilan.. kung iyong yayakapin ang yakap ng itaas.
minsan...
ang puso dinadaigan ng isip at ang isip inaalipin ng puso,
hangang kailan hahawak sa rehas ng kahibangan?
ang bagyo ay isang traydor na bigla nangangagat, hindi marunong magpaalam at pilit na gugulatin ang bawat matitigan niya para alipustahin at maging alipin.
minsan..
ang kapangyarihan ng pag-ibig ang siyang haharap at lalaban sa gulong ng buhay upang ituro muli ang tamang daan at kakayahan ng bawat nilalang basta sa diyos manalig na walang pagdududa.
tumakbo ka! na may tiwala sa sarili upang makarating sa panghuli yugto na may nakamit,
hindi lamang sa isang gintong bakal at isang sako ng pilak,
ngunit dahil naging matagumpay ang laban mo sa buhay...
Comment by supersweet79 on December 6, 2011 at 11:54am ganda..i can grasp the meaning reading between the lines
Comment by 幸运自信的小鸡(fenj) on December 7, 2011 at 8:26pm thanks supersweet79..:) i appreciate your appreciation in filipino poetry ..:)
Comment
© 2012 Created by plcommunity.
You need to be a member of PL Community to add comments!
Join PL Community